redQueen

Thursday, February 24, 2005

thanks


Wow! for the first time someone sketched me.
Since i am born without any talents when it comes to drawing, i always wanted to have someone sketch my picture. Then this day came when I was busy rotoscoping a project when julia sat near me with a big notebook, i thought she is just scribbling but after a few minutes she showed me what she was doing. whala!! It was me on a sketchbook! thanks girl! i really appreciate it!


posted by tintin at 2/24/2005 04:43:00 PM

{xoxo}



Monday, February 21, 2005

bangag

this is what we do when we don't have work


posted by tintin at 2/21/2005 05:23:00 PM

{xoxo}



Thursday, February 17, 2005

the team


behold, the restoration team

( betti, raks, gara, jhun, jo, julia, me, kateng, aszi and nina)

Kame ang mga janitor at janitress ng pelikelang pilipino. ang trabaho namen ay maglinis ng mga pinoy classic black and white films, ung tipong mga pelikulang medyo nakalimutan na ng panahon, ito ung mga pelikula na ipinalabas bago dumating ang mga hapon! Kung kailan mukhang probinsya pa ang maynila dahil sa mga nag tataasang talahib sa paligid at kung kailan tig-tatatlong oras ang haba ng bawat pelikula, at nung mga panahong bata pa si dolphy at buhay pa lahat ng mga sidekick nya. Minsan naman ay may kulay. Ito naman ung mga pelikula kung saan uso pa ang song and dance number sa resort o sa may beach bago matapos ang pelikula . O kaya naman ay magkasalubong na tumatakbo ang bidang babae at bidang lalake at magyayakapan sabay buhat sa leading lady. Minsan sa park naman sila naghahabulan at poagkatapos ay uukit ng pangalan sa loob ng puso sa puno ng manga! corny man pero kilig na kilig ang mga tao nung mga panahong yon!

Ito ang kadalasan ginagawa ng marami sa amin sa opisina kung hindi rumaraket ng mga TVCs o nag-aagawan sa libreng internet sa office o kaya naman ay sumasakit ang ulo sa kaiisip ng sagot sa text twist.



posted by tintin at 2/17/2005 07:52:00 PM

{xoxo}



Sunday, February 13, 2005

my guy

i will never find a guy who...

...is more concerned about my freshly manicured red long nails getting ruined due to my carelessness (mahal daw kase pa-manicure!).

...willing to fetch me anytime, anywhere (name it, kahit sang lupalop ng mundo/anytime pupunta yan) just to make sure i got home safe.

...renovate my room by himself.

...willing to wake up early in the morning just to do my errands.

...cooks delicious dinner for me (sarap magluto nyan!).

...is will cancel everything just to have dinner with me (magkadugtong na ata esophagus namen kaya di kame makapag-dinner ng magkahiwalay)

...will wait for hours outside the school (nung college pa kami, imagine 12 noon til 8.30 pm yang nakatambay... sa bilyaran o kaya nakikipag-inuman, haha kala nyo nag-aantay? nag-eenjoy yan kakatambay!) so that we will go home together.

...is always there whenever i'm down

...makes effort to get to know all my friends and love those i love.

....will make fun of himself just to make me laugh .

...willing to sacrifice his dreams just to fullfil mine .

and above all else who will love me as much as he does .

that's why i call my self blessed to be loved by someone like him .

o ha! laban kayo dyan!! sana wag lalake ulo!!!
sensya na medyo mushy! valentines kase!!!

luv you damidami!!!


posted by tintin at 2/13/2005 06:41:00 AM

{xoxo}



Thursday, February 03, 2005

for free

the best things in life are for free

here's my list why i quoted this:

  1. masarap matulog (isipin nyo na lang kung may bayad ang kada tulog paggabi!)
  2. masarap mag bawas ng kargada sa banyo lalo na pagmatagal mo nang pinipigil
  3. masarap umattsing
  4. masarap umutot (o libre un)
  5. libre mangarap
  6. masarap humikab (tapos mya mya pati ung katabi mo humihikab na rin)
  7. masarap mangulangot tsaka mag tanggal ng tutuli
  8. masarap mag-inat
  9. masarap dumighay
  10. masarap magtanggal ng tinga
  11. magkamot ng makate

toh ung list ng mga tao sa paligid ko:

  1. masarap daw magbate ng itlog --- winston
  2. tsaka masarap daw manghipo (may libreng sampal) --- winston
  3. masarap magpalibre --- winston
  4. masarap daw mag-tooot --- joseph
  5. masarap tumawa --- jhun
  6. magtanngal ng muta --- gara
  7. magkamot ng pwet paggising sa umaga (sabay inat) --- julia
  8. masarap chumika --- gara
  9. masarap mang-okray --- betti
  10. masarap magtanggal ng patay na buhok --- gara
  11. masarap maglaro --- demer

Isipin nyo na lang kung lahat ng bagay na yan may bayad. haha! ang hirap siguro mabuhay!

(kung may mga suggestions kyo i-tag nyo lang, ia-add ko sa list)



posted by tintin at 2/03/2005 06:17:00 PM

{xoxo}



Wednesday, February 02, 2005

generation 80's ka ba?

nabasa ko to sa bulletin board ng friendster dati pa. hehe! kung sino man ang nagsulat neto naaliw ako syo!

Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito?

Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasangchampoy)

3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6. Pumunta ang mga tag! a- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon)

11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wresler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"Bakit kaya ganon?

Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di ba?"


posted by tintin at 2/02/2005 07:18:00 PM

{xoxo}



Name:
Location: manila, Philippines

Amazingly wicked (joke!) i love my dog, 3a. Coffee dependent. I'm a certified game addict. a fan of sims (actually i have it in my pc, ps2, psp and n-gage, hehe lahat ng format meron na ata ako). I love towatch movies and read books (esp. abt vampires, mahal ko na ata si lestat!) during my free time. I love to laugh. There are times that I prefer to spend time alone (may pagka-loner kase ako). During weird times, i love being with my friends. But most of my time is spent with my boyfriend. I'm a frustrated musician. I go shopping whenever i'm depressed. I like collecting shoes and bags that comes in different shapes, sizes and colors. I love the fishes in my aquarium. I like discovering and learning new things. I like adventures that's why i like to go different places that i have never been before. I like taking pictures of everything that interests me.


The Queen's...



..........click..........

Powered by TagBoard Message Board
Name

Messages(smilies)







betti
brutalgrace
chicco
kim
julia
kat
oscar
raks






Image hosted by Photobucket.com

K Kinky
R Rare
I Inspirational
S Sexy
T Tough
I Intelligent
N Noisy
E Energetic

Name / Username:

Name Acronym Generator
From Go-Quiz.com


red nails typing










friendster
deviantart
blogger for engine.
photobucket for photo hosting
blogskins for the skins.
dogster from 3a.








Personal Blog Top Sites

Creative Commons License
everything you see here is licensed under a
Creative Commons License.