redQueen

Wednesday, August 31, 2005

dagupan

para mapanindigan ang mottong "serbisyong totoo" nagpunta ang ilan sa mga staff ng news and public affairs sa dagupan para sa isang fair na inihanda para sa mga dagupeno, kung saan lahat ng shows ng news ang public affairs ay may kanya-kanyang booth na may kanya-kanyang gimik at give aways.

Image hosted by Photobucket.com Image hosted by Photobucket.com

matapos umere ang 24 oras, naghanda na kami sa aming pag-alis.(ayaw ko sanang sumama, kaya lang may choice naman ba ako?!) 9 na ng gabi kami nakaaalis. matapos kumain sa aming stop over ay tuloy na uli kami sa biyahe. 2am na kami nakarating sa aming patutunguhan. 3 na ako nakatulog. matapos ang tatlong oras, bumangon na kami. Nag-agahan sa inihandang breakfast ng hotel para sa amin. (in fairness masarap ang fudams!) nagpakabusog na ako dahil alam ko bugbugang trabaho ang sasabakin namin sa maghapon.

Image hosted by Photobucket.com
me and jona at the 24 oras/saksi booth


Pagdating sa booth inasikaso ko agad ang aking gawain (ang pag-shoot ng pangalan sa kalalagyan nito sa certificate ng mga taong sasali sa aming munting pakulo) at whalah! nakuha ko din ang tamang formula para dito at madali kong nagawa ang trabaho ko.

Image hosted by Photobucket.com
si arn-arn yan! hehe! si igan pala!

Lunch. nag-sub si boss john (ung production unit manager namin) para makakain naman ako. ok ang food. pinabayaan ko muna sya sa upuan ko, tutal mukhang nag-eenjoy naman sya sa ginagawa nya. eh wala na akong maagawa kaya tumayo muna ako sa may pasukan ng tao nang matulungan sa jane sa crowd control. ilang sandali lang may lumapit na ale, umiiyak, bitbit ang tatlong taong anak (na ka-size ng isang taong gulang na bata). Nanghihingi ng tulong. Naawa ako kase sobrang payat na nung bata, pero malaki ang bandang tiyan, nagulat ako nang hawakan ko ito, matigas kase. tinanong ko sa ale kung napatignan na ba nya sa doktor ang anak, never pa daw kase wala syang pera. Nabulag na nga daw ang anak nya nang wala man lang syang nagawa (kaya pala nakapikit ang bata, kala ko tulog, ganon pala talaga). di na ako makatingin sa mag-ina kase naiiyak na ako sa awa. naawa din ung guard na katabi ko, kaya nilapit sya sa booth ng emergency para mapatignan. may libreng check up kase don. maya-maya bumalik ung ale, may leukemia na pala ung anak nya. nagkataon nandon sa booth si Vicky Morales, kaya inilapit ko ung ale, buti na lang in-accomodate naman sila.

Image hosted by Photobucket.com
vicky morales (mukha lang mas payat sha saken kase naka-tube,
pag nakita nyo akong nakaganyan mas payat ako dyan) hehe!


maya-maya pa, unti-unti na kaming nagligpit. nagpupnta sa hotel at nag-order ako ng masarap na pagkain. Naghanda na kami umalis pabalik.

Image hosted by Photobucket.com
sila ang mga ka-room mates ko sa 6 star na hotel na pinag-stay-an namin.

7 pm kami umalis. nagdiner sa isang restaurant sa tarlac at dumeretso na pauwi. hating gabi kami nakarating. in fairness kahit di ko mashadong nasilayan ang araw sa dagupan, at kahit pagod at walang tulog, enjoy pa din.

Image hosted by Photobucket.com
sensya na po! medyo mga die hard fans yan ni piolo!


posted by tintin at 8/31/2005 06:08:00 AM

{xoxo}



Thursday, August 25, 2005

arriba kapuso!!!
(title by abby)

last friday ang reunion ng laht ang alumni ng letran na nagtatrabaho sa gma. grabe ang dami pala namin! hehe! treat ni father joemar sa quatro! astig!!! sarap pala um-order ng um-order ng kahit ano lalo na pag galing sa bulsa ng iba ang pambabayad! kaya hala! drink-all-you-can at eat-all-you-can ang labanan!

(click nyo lang mga pictures para lumake)

Image hosted by Photobucket.com(ung tinuturo ng arrow si father joemar yan) oha! nung masasabe nyo! kase kame speechless nang isabit yang banner na yan e! kawindang di ba? prepared?

abby, nina and allen. Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com favorite pulutan of the night... fish fillet. kala namen all expense paid, pro sa dami ng dumating mukhang kulang budget ni father... kaya yan, nag-ikot si mam wen... nangolekta... kaya ciguro naka pitong order lang naman kame neto! haha! bumawi sa pinatak! balak pa nga nameng mag take out para ulam bukas ng tanghali... haaay... nawala sa isip ko um-order ule! sarap e!

Image hosted by Photobucket.com
di ko alam kung lasheng na kumuha ng picture o may itinatagong galit kay *toot*! labo e!

Image hosted by Photobucket.com may crush si abby dyan. hulaan nyo kung sino.... si.....

Image hosted by Photobucket.com
la na... tapos na inuman! lasheng na lahat! kaya nauwi muna kami sa starbucks. hmmm...mukhang may nabubuong bagong love team

Image hosted by Photobucket.com
eto pinaka malupet sa lahat!!! hehe! nakita ko ung nagkaka-crush saken na starstruck sa starbucks.. hinabol ako! whooo! para lang magpapicture! hehe! gwapo ba? ako di na-gwapuhan e! ang panget! yak! hiningi pa nga cell number ko kaya lang di ko binigay! baka magalit si demer! hehehe! lasheng na ata ako! hik!


posted by tintin at 8/25/2005 06:01:00 AM

{xoxo}



Friday, August 12, 2005

shunga!

O! ano nanaman ba ng problema mo?
Ilang araw ka nang ganyan.
Palage na lang may mali sa gawa mo. Image hosted by Photobucket.com
Ung "petroleum" ginawa mong "petroluem"
Ung "Batasan Hills" ginawa mong "Batasan Hall"
Ung "Cotabato" ginawa mong "Cotobato"
Ung text graphics na walang kinalaman sa dugo, nilagyan mo ng title na "Blood Donation..."

Palagi na lang bang ganyan? Image hosted by Photobucket.com
Buti pa sa pagtambay sa gazebo hindi ka pumapalya!
Pasalamat ka mabait ung chargen operator at kino-correct ung mga pagkakamali mo!
Lagi nalang may sumasapo sayo! Buti nalang isang pagkakamali mo palang ang umere!
Isipin mo nga kung lahat yan umere?! Yari ka ngayon! Image hosted by Photobucket.com

Ano ba! mag-focus ka nga!
Ano bang iniisip mo?!
Hindi ka naman dati ganyan!
Kung may problema ka sa lovelife mo wag mo dalhin sa trabaho!
Ilang oras na nga lang trabaho mo mali-mali pa ginagawa mo!

Oo, alam ko ngaragan ang theme ng trabaho mo!
Lahat ng bagay dapat mabilis.
Pagdating script, tapos dapat ang graphics within 5 mins, Image hosted by Photobucket.com
at kung marami naman, 2 to 3 mins.
Kaya ka nga nagdo-double check palage di ba!?
E bat di mo pa rin nakikita ung mga mali mo?
Duling ka ba? Image hosted by Photobucket.com

Yan na nga lang ginagawa mo di mo pa magawa ng maayos!
Pwede, kung may problema ka iwan mo na lang sa bahay pag-alis mo!
Wag mo nang dalin sa opisina nang umayos naman ang trabaho mo!
OKEY!?

Image hosted by Photobucket.com


posted by tintin at 8/12/2005 02:08:00 AM

{xoxo}



Tuesday, August 02, 2005

wow mali...

Bakit nga ba napakahirap bumangon sa kama matapos ang mahimbing at tila palaging bitin na tulog? Image hosted by Photobucket.com Pupungas-pungas na bumagon sa kama.Shet! late nanaman ang gising ko! Nagmamadaling kumilos. Habang nag-aabang ako ng masasakyan, para bang nananadya! Pag papuntang Malanday ang kailangan kong sakyan, puro papuntang MCU ang mga dumadaang jeep, pero ngayong papuntang MCU ang aking sasakyan, puro papuntang Malanday naman ang dumadaan. Kaya minsan nagkukunware ako na papuntang Malanday para ung mga jeep na papuntang MCU naman ang dumaan. Pero kahit ano atang gawin ko, walang mangyayare. Kaya hala, Malanday ang sinakyan, bababa na lang ako ng Monumento at patakbong lalakarin ang pinaka malapit na parahan ng bus na padaang Kamuning. Gamunggong pawis, nakatayo sa siksikang bus at nag-aantay na may tumayo, para ako naman ang maka-upo.

Pagkabit ng i.d. sa pantalon, patakbong pumasok sa gate ng building at humahangos na pumasok sa munti naming silid. Sabi ng boss ko, "o, aga mo ah" nagulat ako, kaya ang sagot ko, "eh sir late na nga e," "late ka na ng lagay na yan?" sabay turo sa orasan. pagtingin ko, 2.30 palang!?! Image hosted by Photobucket.com maaga pa ako ng 30 minutes! Kaya dinouble check ko sa cellphone ko, grrr... maaga pa nga! Image hosted by Photobucket.com


Teka rewind... kaninang umaga mga around 7am, dumaan si Jared (4 y.o./pinsan kong makulit),Image hosted by Photobucket.com humalik sa pisngi ko at binati ako ng good morning, tumango lang ako at bumalik sa pagkakatulog. Tapos nung magising ako, pagtingin ko sa orasan 2.00 na ng hapon, Image hosted by Photobucket.comlate na ko!

Kinabukasan ng umaga, pagdaan uli ni Jared, nagtanong ako kung ginalaw nya ang orasan sa tabi ko. Ang cool pa ng pagkakasogot saken, "umhm..." (sabay taas ng dalawang kilay, at iniba agad ng topic) Image hosted by Photobucket.com .

Moral Lessons:
1. kaya nga may alarm at clock feature ang mga cellphone, Image hosted by Photobucket.com para in-case doubtful sa time, meron ka pang isang reference.
2. 'di ba may relo din sa sala? try ko kaya tignan once in a while.
3. kaya nga nakalagay sa kahon ng relo bago buksan, "keep out of reach of children"
4. may mga orasan namang makikita sa paligid di ba? tulad ng mga katabi sa bus/jeep at sa mga
madaanang tindahan sa kalye, try kong silipin minsan.
5. matulog ang maaga para magising ng maaga.


posted by tintin at 8/02/2005 05:27:00 AM

{xoxo}



Name:
Location: manila, Philippines

Amazingly wicked (joke!) i love my dog, 3a. Coffee dependent. I'm a certified game addict. a fan of sims (actually i have it in my pc, ps2, psp and n-gage, hehe lahat ng format meron na ata ako). I love towatch movies and read books (esp. abt vampires, mahal ko na ata si lestat!) during my free time. I love to laugh. There are times that I prefer to spend time alone (may pagka-loner kase ako). During weird times, i love being with my friends. But most of my time is spent with my boyfriend. I'm a frustrated musician. I go shopping whenever i'm depressed. I like collecting shoes and bags that comes in different shapes, sizes and colors. I love the fishes in my aquarium. I like discovering and learning new things. I like adventures that's why i like to go different places that i have never been before. I like taking pictures of everything that interests me.


The Queen's...



..........click..........

Powered by TagBoard Message Board
Name

Messages(smilies)







betti
brutalgrace
chicco
kim
julia
kat
oscar
raks






Image hosted by Photobucket.com

K Kinky
R Rare
I Inspirational
S Sexy
T Tough
I Intelligent
N Noisy
E Energetic

Name / Username:

Name Acronym Generator
From Go-Quiz.com


red nails typing










friendster
deviantart
blogger for engine.
photobucket for photo hosting
blogskins for the skins.
dogster from 3a.








Personal Blog Top Sites

Creative Commons License
everything you see here is licensed under a
Creative Commons License.