redQueen

Wednesday, March 30, 2005

Dukhang Pinoy???

Marami ang nagsasabi na naghihirap na nga ang mga Pinoy. Ang sabi ko naman, Ooows di nga!

1. Una, pag pasko, ang hirap mag-diet! kahit saan ako lumingon e may pagkain, kaya naman di ko mapigil ang sarili ko sa kakakain. Sigurado ako sa inyo ganyan din. Aber, pano mo masasabi na naghihirap ang pinoy sa dami ng pagkain sa paligid. ang totoong naghihirap halos di na kumakain dahil walang makain! Image hosted by Photobucket.com

2. Tapos pag fiesta halos pumutok na ang tyan ko sa ilang ulit na pagkain ng pananghalian at hapunan dahil sa mga handa ng kapitbahay! lalo na pag fiesta ng Sto. NiƱo sa Tondo! di na makapasok ang mga jeep sa tindi ng pagce-celebrate nila. Grabe don, street party! Goshes! umaapaw na handaan at inuman. Image hosted by Photobucket.com

3. Pinas ang tinaguriang text capital ng mundo. Lahat na ata ng tao dito e may cellphone na! Bata, matanda, mahirap, mayaman, may ngipin o wala may cellphone. kung totoo ngang nag hihirap ang pinoy, e bakit pa naa-afford ng karamihan ang bumili ng cellphone at magtext maya't maya. Image hosted by Photobucket.com

4. Nung nauso ang 24/7 call & text unlimited ng Sun Cellular, o di ba? ang daming kumagat at ang dami ding nag-post sa friendster ng kanikanilang number. eto pa, halos lahat ng kilala ko na may Sun dalawa ang cellphone! ung isa sa luma nilang number at ung isa naman ay pang tawag lang sa Sun. o ha! mahirap ba yan? (actually isa na ako dito, pero in fairness di naman ako nag-post ng number ko sa friendster!)

5. Pag-sale sa SM, halos nagmimistula itong divisoria sa dami ng tao! At hindi lang sila basta nagpapalamig o namamasyal! Nagsho-shopping sila! Sosyal! Image hosted by Photobucket.com

6. Pag may buy 1 take 1, ang ugali ng pinoy kahit hindi kailangan nung take 1 e mas pipilian pa nyan bilin kung san makakalamang. pero pag-uwi sa bahay pamimigay lang ung sobrang isa kase nga naman (for example 50 php ang isa tapos pag dalawa 70 php) malaki daw ang natitipid kung dalawa na ang bibilin. Pero tanong lang? isa lang naman ang kailangan mo di ba? para san ung isa? nakatipid ka ng lagay na yan ?

Mahirap na nga ngayon ang buhay, opinion lang... Talaga lang ha!


posted by tintin at 3/30/2005 09:48:00 PM

{xoxo}



Thursday, March 24, 2005

Usapang bomalabs

Biyernes santo, imbes na nagpapahinga ako ay nandito pa rin ako sa harap ng computerImage hosted by Photobucket.com nagtatrabaho! Grrr!!! ang labo di ba? Habang nag-eenjoy ang ilan sa outing at nagpapahinga naman ang karamihan, nandito ako nakakulong sa kwarto at nagpapaka devoted sa trabaho! Naisip ko habang kumakain Image hosted by Photobucket.com ng manok galling sa jolibee na hindi lang naman pala ako ang malabo, may mas malabo pa saken.

Eto ung mga bagay-bagay na malabo.

1. Baket chicken joy ang tawag sa manok sa jolibee? Masaya ba sila nung pinirito sila?

2. Baket ang pintuan ng 711 may padlock pa? E di ba, 24 hrs. naman sila bukas, pati holiday never sila nagsara?

3. Di ba lahat ng characters/mascot sa mga fastfood chain ay nagre-represent ng pagkain na binebenta sa fastfood na yon? Tulad na lang nila Hetty Spaghetti o kaya ni Hamburglar. E si Grimace anong pagkain siya? May ube na ba sa Mcdo?

4. Baket Fire Exit ang tawag sa emergency exit pag may sunog? Labasan ba un ng apoy? Image hosted by Photobucket.com

5. Minsan inutusan ako ng lola ko,
Lola: tin, bumili ka nga ng colgate, ung hapee! Image hosted by Photobucket.com
haha, ang labo!

6. minsan may nakasabay ako na bata sa sari-sari store,
Bata: Manang pagbilan nga po ng pisong yellow pad, ung green.
Labo mo kid!

7. ano ba talaga ang tamang tawag sa banyo sa labas? Comfort room, powder room o rest room? Image hosted by Photobucket.com


Minsan hindi lang bagay ang malabo, marami din akong kilala na mas malabo pa sa lahat ng klase ng blur!

1. Ung mga tao ng nagsasabing hindi lang pera ang magpapaligaya sa tao, may solusyon ako dyan. Bigay nyo na lang saken ung pera (tutal wala naming epekto yan senyo!), para masaya ako, masaya pa rin kayo, masaya tayong lahat! Aminin nyo na! mas masaya tayo pag may pera!

2. Ung mga taong mahilig magsabi ng OO NGA tsaka AKO DIN NGA E, eto ung mga taong sang-ayon sa lahat ng sabihin mo. Pag kausap ka niya akala mo soulmates kayo dahil lahat ng bagay pareho kayo hindi lang ung tipong we have something in common ang pagkakapareho niyo eto ung tipong daig nyo pa ang kambal sa sobrang identical ng likes and opinions niyo! Tapos pag nakausap niya ung taong kinaiinisan mo magugulat ka na lang soulmates din sila! Pare, ang dami mong soul!

3. Nung nag-aral pa ako, Image hosted by Photobucket.com
Nanay ko: wag ka muna mag-aasawa tapusin mo pag-aaral mo, kung gusto mo pagkagraduate mo kinabukasan mag-asawa ka na.

Nung graduate na ako at naghahanap pa palang ng trabaho,
Nanay ko: Maghanap ka muna ng trabaho bago ka mag-asawa, mahirap ang buhay ngayon.

Nung may trabaho na ako,
Nanay ko: mag-ipon ka muna, bata ka pa, tsaka ka na mag-asawa. Yang pag-aasawa madali lang yan kaya wag ka magmadali.

After 5 years,
Nanay ko: mag-asawa ka na! mahirap tumandang dalaga! Image hosted by Photobucket.com

4. Ung mga taong matagal mo nang di nakikita tapos pagnakasalubong mo sa daan magtatanong ng: San ka pupunta?, na as if naman sasama sila.Image hosted by Photobucket.com

5. Ung mga taong mahilig magtanong ng: gising ka na?, pag gusto nilang malaman kung hindi ka na natutulog. Halerrr! E di pag hindi sumagot e di tulog! Meron bang tulog na sasagot ng hinde, tulog pa ako.Image hosted by Photobucket.com

6. ung mga tao na ang labo kausap. kunware, may gimik ang tropa tapos hinidi daw sya sasama kase hindi ka kasama, un pala ang totoo ay sasama siya o kaya kabaligtaran. ang solusyon dyan, pagsinabi nyang OO, HINDI ang nasa isip niya kaya lahat ng sasabihin niya i-interpret mo ng baligtad!

7. kadalasan ang mga babae mahilig mag-yaan kung saan-saan. example, Tara C.R. tayo (ano un CR transfooorm!? FYI hindi tayo CR, tao tayo! (Dapat dyan, tara mag-CR tayo) o kaya naman ay: LRT na lang tayo, ang traffic e (again and again tao tayo! hindi tayo LRT o kung ano ano pa man!).

8. Eto pa, ung mga mahilig mag rason ng: Sorry, late ako, ang hirap kase sumakay e. Aber, kelan pa naging mahirap sumakay? iaangat mo lang ang paa mo tapos uuko ka, tatapat sa bakanteng upuan at uupo! whala! nakasay ka na! o, may mahirap ba don? baka ang ibig mong sabihin ay, late ako kase walang masakyan?

9. ung mga nagsasabi ng, wag mo nang hanapin ang wala! E kaya nga hinahanap kase wala. Alangan naman na hanapin ko ang meron. Ano ako, adik!


Ooops Image hosted by Photobucket.com , bato-bato sa langit ang tamaan wag magagalit! Ang mag-react guilty! At ang mapikon loser! Hahaha! Image hosted by Photobucket.com




posted by tintin at 3/24/2005 05:57:00 PM

{xoxo}


Buti pa kayo...

to gara and betti...
kung nalulungkot Image hosted by Photobucket.com kayo dahil sa hirap ng buhay at di nyo na kaya ang stress at pagod dahil sa trabaho... Image hosted by Photobucket.com
pwes, tignan nyo na lang to.

Image hosted by Photobucket.com

o di ba? mas ok pa naman kayo kesa dyan. Image hosted by Photobucket.com
sige nga, ano mas gugustuhin niyo?


posted by tintin at 3/24/2005 03:40:00 AM

{xoxo}



Saturday, March 19, 2005

just needed a klown

during these stressful days
when work environment is toxic,
when talent fees are always delayed and not even enough for daily my expenses,
when survival of the fittest is such a big deal,
when opinions are ignored,
when liars and hypocrites are favored,
when choices affects friendships,
when martyrdom is the cause of being underpaid,
when the only solution is going out of where i am in.

then i start to grow numb to the situation
and decide to be altogether blind, deaf and mute
to what is happening around me as thought by my mentor.

i just need a klown!

so this weekend in search for a great laugh i decided to go with my aunt, ninongs and ninang to Klownz, Q.C.. It worked! i almost had a jaw sprain due to excessive bwahahas!

here are some pictures.


Image hosted by Photobucket.com
inday garutay with maria, interpreting a song


Image hosted by Photobucket.com
teri onor while having phone sex for his stand up comedy


Image hosted by Photobucket.com
teri onor, wally and jose while making fun of japanese guys that were there


i had what i've looking for! i luaghed a lot and had fun becuase the performers are great and as i've said in my previous blog, the best thigs in life are free! thanks to my aunt!

haaay, i should do this more often! go out on weekends and have fun!
another thing... i will just shut my mouth while finding a way out!


posted by tintin at 3/19/2005 09:13:00 AM

{xoxo}



Tuesday, March 15, 2005

food, guys and rock n roll!!!

carl roy has always been a favorite Image hosted by Photobucket.com, esp. in his POT days. I met this guy first when i was having my internship at NU 107.5 Image hosted by Photobucket.com. I was so excited when brutalgrace asked me to meet her somewhere and be with her during the music video shoot of kapatid(carl roy's present band) in one of our studios last march 15. lucky me i do not have a project on that day!

here are some pictures. Image hosted by Photobucket.com

Image hosted by Photobucket.com

me and the band minus the drummer boy in their dressing room


hahaha! what a fine day! i get to eat thier food and hang with them!Image hosted by Photobucket.com


Image hosted by Photobucket.com

carl and me during mirienda break


Image hosted by Photobucket.com

my drummer boyImage hosted by Photobucket.com

eto ung bago kong crush! ung drummer nila! kaya lang sa sobrang kilig ko nakalimutan ko name niya when we were introduced! dahil don sa isang pic, hug niya ako! Image hosted by Photobucket.com tsaka ko na post pag-send na saken ni grace ung pic. haha! wish ko lang di magalit si demer! tabi tabi po honey! luv you!Image hosted by Photobucket.com


Image hosted by Photobucket.com

our final pic. of the day

tignan nyo ung crush ko, nakasimangot kase alis na kme ni grace! huhu! Image hosted by Photobucket.com mami-miss daw kase niya ako! hehe! joke!

more pictures to come

to be continued....




posted by tintin at 3/15/2005 02:24:00 AM

{xoxo}



Name:
Location: manila, Philippines

Amazingly wicked (joke!) i love my dog, 3a. Coffee dependent. I'm a certified game addict. a fan of sims (actually i have it in my pc, ps2, psp and n-gage, hehe lahat ng format meron na ata ako). I love towatch movies and read books (esp. abt vampires, mahal ko na ata si lestat!) during my free time. I love to laugh. There are times that I prefer to spend time alone (may pagka-loner kase ako). During weird times, i love being with my friends. But most of my time is spent with my boyfriend. I'm a frustrated musician. I go shopping whenever i'm depressed. I like collecting shoes and bags that comes in different shapes, sizes and colors. I love the fishes in my aquarium. I like discovering and learning new things. I like adventures that's why i like to go different places that i have never been before. I like taking pictures of everything that interests me.


The Queen's...



..........click..........

Powered by TagBoard Message Board
Name

Messages(smilies)







betti
brutalgrace
chicco
kim
julia
kat
oscar
raks






Image hosted by Photobucket.com

K Kinky
R Rare
I Inspirational
S Sexy
T Tough
I Intelligent
N Noisy
E Energetic

Name / Username:

Name Acronym Generator
From Go-Quiz.com


red nails typing










friendster
deviantart
blogger for engine.
photobucket for photo hosting
blogskins for the skins.
dogster from 3a.








Personal Blog Top Sites

Creative Commons License
everything you see here is licensed under a
Creative Commons License.