redQueen

Thursday, October 20, 2005

zzzzzzzzzz.........

namimiss ko na ung tulog kong 12 hours (or more) a day, everyday.
namimiss ko nang maglaro ng ps2/mag-internet/manood ng movie sa cable buong gabi.

Image hosted by Photobucket.com Rally na naman sa Mendiola, QC Memorial Circle at Mabuhay Rotonda! Kaya eto, nandito ako sa office at pilit na pinipigilan ang antok dahil nakatutok ako 24 oras! (literal to ha!) WALA AKONG TULOG DAHIL HINDI NATUTULOG ANG BALITA!11pm na kase ako nakauwi kagabi, patulog na sana ako nang maka-receive ako ng text message... pinbabalik na ako uli dito sa office, madami daw kasing graphics na gagawin. Hay! so naligo lang ako at masunuring bumalik sa opisina. Image hosted by Photobucket.com Natapos ko naman ung graphics na pinapagawa, actully masama pa nga loob ko kase 3 hours na nga lang tulog ko mawawala pa! grrrr... (gusto mong kumita ng malake di ba? pinasok mo yan! panindigan mo!)

Kaya ang resulta na dead air/nag-black sa ere (for the 3rd time) na naman ako. Kaya dead na naman ako kanina sa kakasigaw ng director at lahat ng mga tao sa control room! Image hosted by Photobucket.com Ika nga ng kaibigan kong si Enrietan, dyosa ako ng news, dahil sa trabaho ko "I'm in control...room" hehe! isang maling pindot ko lang, masasaksihan ng lahat ng nilalang na nanonood na may mali sa pinapanood nila. Sa pwesto ko, ako ang may control ng lahat ng graphics na lumalabas sa ere, kaya pag nawawalan ako ng control sa sarili ko dahil sa antok at panic, kung hindi typo error, kadalasan eto ang nangyayare.

Maliwanag na ngarag na naman ang araw ko. Matapos ang morning news/show gusto ko na sanang umuwi para makatulog ng ilang oras. Lalong bumigat ang katawan ko nang makarinig ako ng bulong bulungan na stand by daw ng 10 am ang next newscast kung saan involve uli ako. Wala na talaga akong kawala sa balita! Dito na lang kaya ako tumira? Halos memorize ko na nga lahat ng taong may kinalaman sa balita. Pati daily weather update sa pinas, asia, pati world alam ko, sama mo na rin ang temperatura ng tatlong parte ng bansa, at pagsikat/paglubog ng araw alam ko lahat yan! Kase naman mula 3 am inuusisa ko na ang mga pangyayare sa loob at labas ng bansa na may kinalaman sa trabaho. Image hosted by Photobucket.com Tapos pagdating ng primetime, balita na naman grrr... Kaya pati pagtulog ko napapanaginipan ko na ang mga pangyayare sa Pilipinas. Hanu ba?!
Sabi nga ni Chicco, mashado kong kina-carreer ang news... CORRECTION... ako ang kina-carreer ng news... ayaw na nga ako pauwiin eh!

Image hosted by Photobucket.com Sabado bukas, sana naman mapagod na ang mga raliyista kase ako pagod na kakabantay kung anong mangyayare sa pinaglalaban nila. Kase gusto kong matulog ng habang buhay nitong weekend.

Gusto ko nang matulog...
di naman ako nagsisisi sa desisyon ko,
in fact masaya ako sa trabaho ko.
masaya, kase eto ang gusto kong gawin.
masaya, knowing na public service tong ginagawa ko
parte ako sa maayos na paghahatid ng balita.
almost solve ako sa lake ng sweldo,
mas ok na 'to kesa mangibang bansa para sa kitang malaki.
kaya lang inaantok ako.
Image hosted by Photobucket.com


posted by tintin at 10/20/2005 01:39:00 PM

{xoxo}



Saturday, October 08, 2005

define "ngarag"

Almost two weeks na when it rained and poured offers hiring me as gfx artist o kaya still store operator sa kung ano-anong programa sa 7 at 11. Naloka ako, litong-lito kung alin ang pipiliin. At syempre mas pinili ko ang show kung saan mas malaki ang kita, kaya lang konti ang tulog.

At dahil sa "unang hirit nangunguna ka," 3am ang call time ko, may araw na naakakauwi pa ako para matulog sa tanghali at may araw naman na diretso ang trabaho hanggang 8pm dahil nay pangatlo pa akong programa na pinapalabas naman sa abroad, at pagkatapos ay dederetso na akong tumutok bente kwatro para maihaitid ang kung ano anong graphics sa progama.

Miss ko na ang tulog kong mahaba. Kung dati alas tres ang umaga ako matulog, ngayon, ganong oras nagtatrabaho nako Image hosted by Photobucket.com . Na-appreciate ko na ung tulog kong 15 hours dati, dahil ngayon 3 hours na lang ang tulog ko. Nap? mala syiesta palage ang tulog ko sa gabi. Pero kahit nagtutukatok pa ako sa daan papuntang opisina, nagigising lahat ng dugo ko sa katawan pag on air na. Ngaragan kase ang trabaho ko, define pressure pag nasa control room. Knowing na live lahat. Isang maling pindot, sigaw o kaya naman malutong na mura ang aabutin ko sa producer at director! kaya kailangan alerto bente kwatro palage! ayan tuloy bihira ko na mai-update tong blog nato.

Kaya kung may mga nakikita kayong typo error sa panonod ng balita sa umaga at primetime, Image hosted by Photobucket.com patawad po, baka ako lang un, naduduling lang sa antok, hehe! o ciah matutulog na uli ako! Image hosted by Photobucket.com zzzzzz.....


posted by tintin at 10/08/2005 03:13:00 AM

{xoxo}



Name:
Location: manila, Philippines

Amazingly wicked (joke!) i love my dog, 3a. Coffee dependent. I'm a certified game addict. a fan of sims (actually i have it in my pc, ps2, psp and n-gage, hehe lahat ng format meron na ata ako). I love towatch movies and read books (esp. abt vampires, mahal ko na ata si lestat!) during my free time. I love to laugh. There are times that I prefer to spend time alone (may pagka-loner kase ako). During weird times, i love being with my friends. But most of my time is spent with my boyfriend. I'm a frustrated musician. I go shopping whenever i'm depressed. I like collecting shoes and bags that comes in different shapes, sizes and colors. I love the fishes in my aquarium. I like discovering and learning new things. I like adventures that's why i like to go different places that i have never been before. I like taking pictures of everything that interests me.


The Queen's...



..........click..........

Powered by TagBoard Message Board
Name

Messages(smilies)







betti
brutalgrace
chicco
kim
julia
kat
oscar
raks






Image hosted by Photobucket.com

K Kinky
R Rare
I Inspirational
S Sexy
T Tough
I Intelligent
N Noisy
E Energetic

Name / Username:

Name Acronym Generator
From Go-Quiz.com


red nails typing










friendster
deviantart
blogger for engine.
photobucket for photo hosting
blogskins for the skins.
dogster from 3a.








Personal Blog Top Sites

Creative Commons License
everything you see here is licensed under a
Creative Commons License.